ni Mylene Alfonso | May 7, 2023
Aabot sa 30 litro hanggang 50 litro ng gasolina at iba pang mixed substance ang tumagas mula sa lumubog na MV Hong Hai 189 sa Mariveles, Bataan.
Ito ang lumbas sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ilang linggo matapos ang insidente ng banggaan sa pagitan ng naturang barko at MT Petite Soeur sa bahagi ng katubigang sakop ng Corregidor noong Abril 28, 2023.
Nabatid na ang tumaob na MV Hong Hai 189 ay lumubog 400 yarda ang layo mula sa Sisiman Lighthouse, Mariveles, Bataan.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa ring mino-monitor ng mga kinauukulan ang sitwasyon sa nasabing lugar ngunit wala pa naman itong namamataang anumang bakas ng pagkalat ng nasabing oil spill.
Kaugnay nito, nagtulung-tulong din ang mga tauhan ng PCG Station Bataan at Marine Environmental Protection Unit para sa paglalagay ng mga oil spill boom at absorbent bags sa apektadong lugar bilang bahagi pa rin ng hakbang ng mga otoridad para maiwasan ang pagkalat ng nasabing langis.
Comentarios