ni Thea Janica Teh | January 5, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 ang 50 kadete at food handlers sa Philippine Military Academy, pagkumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Martes.
Ayon kay AFP Spokesman Major Gen. Edgard Arevalo, lumabas sa imbestigasyon na galing sa food handlers ang COVID-19 na nakahawa sa mga kadete.
Aniya, "Ayon sa kanilang pagsusuri, ang mga food handlers actually ang siyang nakapagdala ng virus at naka-break ng COVID-19 bubble d'yan sa loob ng akademya. Kaya nga po doble ang ating ginagawang pag-iingat.”
Ang lahat ng nagpositibo ay asymptomatic at kasalukuyan nang sumasailalim sa isolation. "Nais nating kalmahin ang loob ng mga magulang ng mga kadete.
Ginagawa po ng pamunuan ng academy ang lahat ng stringent measures at health protocols na kailangang gawin kagaya ng detection, isolation, treatment bago i-reintegrate sila ulit sa cadet corps,” dagdag ni Arevalo.
Maaari rin umanong sumailalim sa lockdown ang academy kung darami pa ang kaso. "Ayon kay PMA Superintendent Gen. Ferdinand Cartojano, isolation muna ang ginawa and even before this pandemic, kung maalala natin 'yung important events sa Academy na pinagtitipunan…inalis na muna natin lahat. Very small group if at all ang pinapayagan upang ma-preserve nga ang health security bubble,” ani Arevalo.
Comments