ni Mary Gutierrez Almirañez | April 16, 2021
Nakatanggap ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 50,000 units na COVID-19 swab test kits mula sa Ministry of Defense ng Singapore.
Ayon sa DND, ang mga dumating na test kits ay ipinadala nila sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at sa AFP Medical Center (AFPMC).
Ilalaan naman nila ang test kits sa mga medical care staff, veterans, at mga dependents nito.
Comments