top of page
Search
BULGAR

50,000 contact tracer, kinakailangan ng DILG

ni Thea Janica Teh - | July 16, 2020




Nangangailangan pa ng halos 50,000 contact tracer ang gobyerno para makatulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.


Sa ngayon, mayroon ng total na 65,574 contact tracer sa buong Pilipinas ngunit, kinakailangan pa ulit ng karagdagang 50,000.


Nagpaplanong magsagawa ng mass hiring ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga contact tracer matapos aprubahan ang budget para rito ng Department of Budget and Management.


Ngunit, sabi ni Año, ituloy pa rin ng mga local government unit (LGU) ang pagtanggap ng contact tracer sa ilalim ng kanilang budget.


Sinabi ng DILG na gusto nitong mayroong contact tracer ang lahat ng barangay at business center para masiguro at mabilis ang paghahanap sa mga ito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page