ni Beth Gelena @Bulgary | September 14, 2024
Proud si Arci Muñoz na siya ay naging reservist ng Philippine Air Force (PAF) kung saan limang taon na rin siyang nasa serbisyo.
Sa kanyang Instagram (IG) post, she shared why it feels so good for her to be serving the country in this way.
Very open ang aktres about her reservist life sa socmed (social media) at nag-encourage pa siya ng iba na magboluntaryong sumali rin.
Aniya, “Sa 5 taon ko na pagiging isang #airforcereserve lagi kong sinasabi sa mga tanong kung bakit ako naging bahagi ng #sandatahanglakasngpilipinas.
“Naniniwala ako na ito ay isang paraan para mapagsilbihan ko ang aking mahal na bayan. Naniniwala ako na ‘pag may pagkakaisa at disiplina ay magandang pagbabago ang makakamit natin, ang kapayapaan na aking minimithi.
“Kaya naman, hinihikayat ko kayo mag #enlist at magbigay-inspiration para sa susunod na henerasyon.”
Noon ay natanong siya kung bakit boluntaryo siyang sumali sa ahensiya.
Paliwanag niya, “Inilagay kami sa posisyon na ‘to para magbigay-inspirasyon para sa kapwa natin mga Pilipino – babae ka man o lalaki – na magsilbi sa ating bansa.
“Bilang isang reservist, kailangan ikaw ay handa sa kung ano ang haharapin ng bansa natin.”
Bukod kay Arci, ang iba pang celebrities na nagsisilbi sa bayan ay sina Gerald Anderson, Ronnie Liang, Geneva Cruz, Matteo Guidicelli, at Ejay Falcon.
Maraming humanga sa aktres nang pumasok siyang reservist sa Philippine Air Force.
Sa isang panayam, inamin ni Martin Nievera na nagka-attitude siya nu’ng kanyang kasikatan. Sa success niyang tinatamasa noon ay lumaki umano ang kanyang ulo.
Aniya, may times na nag-diva king siya dahil isa siya sa mga tinitingalang OPM icons.
Sey ni Martin, “Talagang yumabang ako, talagang mayabang si Martin. At hindi dahil sa title, I never paid attention to that title. But I really acted as some diva king before.”
Sinabihan umano siya ng kanyang family na baguhin ang kanyang ugali dahil hindi lahat ng oras ay tanyag siya.
“So, they always make sure that I stay humble. So those bad days, those ‘Bad Martin’ days, probably he thought he was really king,” saad pa ng singer.
Pag-amin pa niya, kahit sikat na siya ay may insecurities pa rin siyang nararamdaman, pero ang iniisip daw nga niya noon ay sikat siya and so for him, he was the best.
There was a time pa raw na it was hard for him to accept that there were new popular artists who were being chosen over him lalo na kapag nasasalang na ang mga ito sa ASAP.
Sa kanilang mga production numbers, alam niyang naibibigay na sa mga younger artists like Jed Madela, Darren Espanto, and other younger singers ang dapat ay sa kanya.
Kaya natutunan daw niya sa music industry, that there is only one constant, and that is, “There’s someone who will always replace you. Someone will always be better than you. Always.”
HANGANG-HANGA si Pauleen Luna sa bagong haircut ni Bossing Vic Sotto. Hindi siya makapaniwala how good-looking of a man ang kanyang mister.
Sa kanyang socmed (social media) account ay ishinare ni Pauleen ang ilang snaps ni Bossing pagkatapos niyang magpagupit sa Toni&Guy Philippines.
Si Cean Serioza ang resident hairstylist ng Eat… Bulaga! host.
Ang caption ni Pau, “Why so handsome naman my love?”
Hindi naman itinatanggi ng aktres-TV host na hanggang ngayon ay fall head over heels siya kay Bossing kahit mahigit na silang eight years na kasal at mayroon nang dalawang anak na babae —sina Tali at Mochi.
Malaki ang age gap ng mag-asawa but still, walang duda, si Vic ang apple of the eye ni Pauleen Luna.
Comments