top of page
Search
BULGAR

5 years nang nagsasama… Dalaga, sure na si boylet ang mapapangasawa

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 21, 2023




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at mahigit 5 taon na rin ang aming pagsasama. Ang pinagtataka ko parang wala pa siyang balak na pakasalan ako. Samantala, para na kaming mag-asawa at ang kulang na lang ay kasal.

  2. Ano sa palagay mo, Maestro, papakasalan kaya ako ng boyfriend ko o hindi? Ang ikinatatakot ko ay baka matulad kami sa ibang relasyon na mahabang panahong naghintay tapos sa bandang huli ay hindi rin pala magkakatuluyan.

  3. Maestro, sa palagay n’yo ba compatible kami ng boyfriend ko? Kami na ba ang magkakatuluyan o mas mabuting maghanap na lang ako ng ibang lalaking balak akong pakasalan at handang bumuo ng aming sariling pamilya?


KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat na ipangamba, Ashley, dahil anu’t anuman ang mangyari sa bandang huli, kayo pa rin ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa sandaling makipag-usap ka nang masinsinan sa iyong nobyo, tiyak ang magaganap, maiintindihan mo rin ang kanyang pasya kung bakit parang wala pa siyang planong pakasalan ka.

  3. Maliwanag naman ang posibleng maging dahilan, maaaring nagpapagawa na pala siya ng bahay o nag-iipon pa ang boyfriend mo ng pera na gagamitin sa inyong kasal upang minsan pa kapag natuklasan mo ang sorpresa niyang iyon sa iyo. Imbes na magalit ka, baka maiiyak ka pa sa sobrang tuwa, (Drawing A. at B. H-H arrow b.), dahil hindi mo inaasahan na sobra ka palang mahal ng iyong boyfriend. Sobrang responsible siya dahil malayo pa lang ay pinaglalaanan at pinaghahandaan niya na ang inyong future.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong Love Calendar, humigit kumulang ganu’n ang mangyayari, matagal na palang inihahanda na ng nobyo mo ang isang masayang kasalan na tinatayang magaganap sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Hunyo at sa edad mong 28 pataas. Kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay hahantong sa isang masaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page