top of page
Search
BULGAR

5 Tips para mapanatili ang positibong pagbabago sa buhay

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| March 28, 2022




Maraming pagbabago sa ilalim ng ‘new normal’, at unang-una na r’yan ang ating pamumuhay. Gayundin, ito ang dahilan para mag-reflect kung paano natin haharapin ang mga nakaka-stress na pagkakataon. Isa pa, natutunan natin kung paano pahalagahan ang self-care at upang mag-invest tayo sa ating mga sarili.


In short, hindi man naging maganda ang simula ng pandemya, kinaya nating magkaroon ng mga positibong pagbabago sa ating buhay. Pero ang tanong, paano natin mapapanatili ang mga pagbabagong ito?

1. TAMANG PAGPRAYORIDAD NG ORAS. Dahil mas dependent na tayo sa teknolohiya, naapektuhan na rin ang abilidad nating magpokus dahil mas madali na tayong nadi-distract dahil sa tuluy-tuloy na video o online meetings at phone notifications, at umaabot sa punto na nao-overwhelm na tayo. Ngunit kung sisikapin nating ma-manage ang ating oras base sa kahalagahan ng isang gawain, mas malinaw kung ano ang mga dapat nating unahin at pagtuunan ng pansin.


2. SELF-CARE. Nalaman at naunawaan na natin ang kahalagahan ng self-care. At bes, ‘di lang ito tungkol sa pagbibigay ng oras sa iyong sarili tuwing pagkatapos ng nakaka-stress na araw o linggo kundi naging mahalagang parte na ito ng pamumuhay. Kapag naglalaan tayo ng oras at pinahahalagahan natin ang self-care, mas aware tayo sa ating mental health at sa mga bagay na dapat nating i-appreciate.


3. HANDA SA EMERGENCY. Natutunan din nating maging handa sa anumang puwedeng mangyari. Halimbawa nito ang pagtatabi ng pera na magagamit sa hindi inaasahang pagkakataon o pagkakaroon ng emergency fund, gayundin ang pag-i-stock ng mga mahahalagang bagay o pagkain na magagamit sa panahon ng emergency.


4. BAGONG PARAAN PARA MAPANATILI ANG MGA KONEKSIYON. Hindi man natin pisikal na nakakasama ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay, kinakaya nating manatiling konektado sa isa’t isa at siyempre, ‘yan ay dahil sa tulong ng social media at internet. Ilan sa mga paraan para mapanatili ang koneksiyon ay ang pakikipag-video call, watch parties at virtual gatherings ‘pag may mga selebrasyon.


5. SUMUBOK NG MGA BAGONG BAGAY. Madalas tayong mawalan ng motibasyon ‘pag tila routine na lang ang mga nangyayari sa ating buhay, kumbaga, paulit-ulit na lang. Pero mga bes, pagkakataon na rin ito para maghanap ng bagong hobby at mag-aral ng bagong skills. Sa ganitong paraan kasi, posibleng mabawasan ang ating stress, gayundin, mag-i-improve ang ating emotional health.


Marami tayong natutunan dahil sa pandemya at gaya ng nabanggit, kabilang na rito kung paano natin inaalagaan at pinahahalagahan ang ating sarili.


Siguro, ‘yung iba ay nagsisimula pa lamang at napapaisip kung kakayanin ba nilang ipagpatuloy ang mga pagbabagong ito.


Beshie, kalmahan mo lang at ‘wag kalimutang sundin ang mga tips na ito para ma-sustain ang positibong pamumuhay sa kabila ng pakikipaglaban natin sa pandemya. Keri?


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page