top of page
Search
BULGAR

5 Tips para “Iskul is Cool”

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 7, 2024



Iskul Scoop

Kumusta, mga Iskulmates?  Nakaka-stress ba ang school life? Don't worry, dahil ang Iskul Scoop ay nandito na para gawing masaya at exciting ang inyong buhay- estudyante! 


Kami ang bahala sa scoop ng campus life—mula sa latest na intrams drama, hanggang sa mga sikreto kung paano mag-cram nang hindi bumabagsak! Pati tips sa tamang study habits, hacks sa paggawa ng projects, at paano iwasan ang procrastination o Manana Habit (alam namin, mahirap iwasan). 


At kung gusto mong maging stand-out sa klase at maging updated sa school happenings, ito na ang tambayan mo! 


Dahil dito sa Iskul Scoop, walang tatalo sa mga scoop natin sa buhay-eskwela. At para sa ating first issue, narito ang mga tips na ibibigay namin para “Iskul is Cool”, right? 


Photo

Oh, eto, tambak ka na ba ng readings, surprise quizzes, at group projects na parang unlimited at hindi natatapos? As a student, kailangan din nating mag-relax, ‘no!


Pero sino ba ang nagsabing ang “pahinga” ay pag-uubos-oras lang?


Sa totoo lang, ang paggawa ng mga activities na nagbibigay-saya at may kabuluhan ay hindi lang pampalipas oras—ito rin ay pampa-boost ng energy at creativity. 


Kaya kung sawa ka na sa kabababad sa Netflix o pag-scroll sa social media, narito ang ilang patok na activities na puwedeng pagkaabalahan na 'di lang nakaka-relax, may maipagmamalaki ka pa!


  1. BINGE-WATCHING NA MAY ARAL (HINDI LANG DRAMA!). Oks lang kung mahilig ka sa K-drama pero dapat, i-limit lang din at maglaan ng oras sa mga documentaries o historical films na magpapabago ng pananaw mo sa mundo. Katulad ng mga sumusunod: 

  2. INSIDE JOB (2010) – Naglalahad ng mga pangyayari at sanhi ng 2008 financial crisis sa buong mundo, na nagpapakita ng mga salaysay mula sa mga eksperto sa ekonomiya at industriya.

  3. LETTERS FROM IWO JIMA (2006) – Isinasalaysay ang Battle of Iwo Jima sa panahon ng World War II mula sa pananaw ng mga sundalong Hapon, na nagpapakita ng human side ng digmaan.

  4. HIMALA NG GINTO: THE GOLD TREASURES OF PHILIPPINE ARCHAEOLOGY – Tinalakay ang mga gintong artifacts na natagpuan sa Pilipinas, ipinapakita ang mayamang kasaysayan ng bansa bago pa dumating ang mga mananakop.At marami pang iba! Puwedeng mag-share ka na rin ng fun facts sa barkada!

  5. FITNESS IS FUN. Kung masakit na ang mga kamay mo sa kagagawa ng assignment o kate-text, oras na para gamitin naman ang buong katawan. Subukan ang yoga o simpleng stretching para ma-relax ang utak at katawan—bonus na lang kung makuha mong maging as flexible as your schedule. Katulad ng mga sumusunod: 

  6. TREE POSE (VRKSASANA) – Tumayo nang tuwid, itaas ang isang paa at ipatong ito sa inner thigh o binti ng kabilang paa, iunat ang mga kamay pataas na parang puno. Panatilihing balanse.

  7. MOUNTAIN POSE (TADASANA) – Tumayo nang tuwid, i-align ang paa sa ilalim ng balakang, iunat ang mga kamay sa gilid ng katawan o itaas. Huminga ng malalim at mag-focus sa posture.

  8. BUTTERFLY STRETCH (BADDHA KONASANA) – Umupo nang tuwid, ipagsama ang mga talampakan at hilahin ito papalapit sa katawan, habang bumabaluktot ang tuhod. Hawakan ang mga paa at dahan-dahang itulak ang tuhod pababa.

  9. DIY CRAZE . Kung pakiramdam mo ay artist ka na walang canvas, oras na para gumawa ng do-it-yourself (DIY) projects! Gumawa ng personalized notebooks, art journals, o kaya naman ay simpleng room decor gamit ang mga bagay na matagal nang nakatambak sa bahay n’yo. Katulad ng mga sumusunod: 

  10. PEN AND PENCIL HOLDER – Balutin ang mga lumang lata o karton ng tissue roll gamit ang colored paper o ipinta ito. Lagyan ng disenyo ayon sa kagustuhan, tulad ng mga geometric patterns o cute na characters.

  11. DESK ORGANIZER – Gupitin ang lumang kahon ng sapatos sa iba’t ibang hugis upang maging compartments para sa mga gamit sa paaralan gaya ng papel, notebook, at panulat. Balutin ito ng colored paper at i-decorate.

  12. SIMPLE CIRCUIT WITH LED LIGHTS – Gamit ang battery, wire, at LED lights, lumikha ng simpleng circuit na magpapailaw ng mga LED. Tamang-tama ito para sa mga estudyanteng interesado sa electronics at science. Say goodbye sa boredom, hello sa creativity!

  13. ONLINE LEARNING, PERO 'DI PANG-ACADS. Wala na tayong excuse! Free at accessible na ang iba't ibang online classes—mula sa learning how to play the guitar hanggang sa mastering photography. Kaya naman, habang hindi mo pa natututunan ang mga gusto mong hobbies, practice-practice lang muna. Katulad ng mga sumusunod: 

  14. PAGSASAYAW – Mga dance tutorials para sa iba't ibang genre tulad ng hip hop, ballet, at K-pop dance covers. Ang mga channel tulad ng 1MILLION Dance Studio ay nag-aalok ng dance choreography lessons.

  15. PAGSULAT (CREATIVE WRITING) – Mga writing tutorials gaya ng “How to Write Short Stories” o “Creative Writing Exercises for Beginners.” May mga channels na nagtuturo ng mga writing techniques gaya ng ShaelinWrites.

  16. FILMMAKING AT VIDEO EDITING – Mga beginner tutorials tulad ng “How to Edit Videos Using Premiere Pro” o “Filmmaking Basics.” Ang mga channels tulad ng Peter McKinnon ay nagbibigay ng helpful tips para sa videography at editing.

  17. DIGITAL DETOX: NATURE WALKS, ATBP. Don’t worry, hindi kailangang bumiyahe nang malayo para lang mag-enjoy. Kahit sa malapit na park o kahit sa garden ng bahay n’yo, mag-walk ka lang para mag-reset. Mas maganda kung magdala ka ng notebook at gawin itong pagkakataon para sa soul-searching (dahil minsan, kailangan natin ng konting drama).


Sa huli, kahit gaano ka pa ka-busy bilang estudyante, mahalaga ang magkaroon ng oras para sa mga bagay na nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon. Minsan, sa gitna ng stress sa exams at deadlines, doon mo mahahanap ang simple joys ng buhay—kung saan ang bawat activity ay maituturing na maliit na adventure na naghihintay lang na tuklasin mo! Okie??


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? 


Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.


So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page