top of page
Search
BULGAR

5 Tips para ‘di makalimutan ang password sa socmed, atbp.

ni Mharose Almirañez | August 14, 2022




Madalas mo bang makalimutan ang password sa iyong social media accounts, government accounts at maging sa iyong online bank accounts?


‘Yung tipong, naka-tatlong attempts ka, pero incorrect password pa rin, kaya wala kang ibang choice kundi mag-forgot password, gayung alam naman nating sa ganitong paraan ay napakarami pang kailangang i-verify bago mo mabuksan ang iyong account. What if, wala ka nang access sa cellphone number kung saan nag-text ‘yung one-time pin (OTP)? Siyempre, sobrang hassle niyan!


Bilang concerned citizen, narito ang ilang helpful tips para hindi mo makalimutan ang iyong P4$$word:


1. DAPAT MAY SIGNIFICANT MEANING ANG PASSWORD. Puwede mong gamitin ang title ng iyong favorite song, name ng iyong favorite person, date ng special occasion o venue ng isang napakahalagang lugar para sa ‘yo. Kapag ginawa mong password ang isa mga ‘yan ay paniguradong hinding-hindi mo makakalimutan ang iyong password. ‘Yun nga lang, magkakatalo ‘yan sa uppercase, lowercase, numbers at special characters, kaya tandaang maigi ang format kung paano mo isinulat ang iyong P4$$word. Okie?


2. GUMAWA NG KODIGO O ISULAT SA PAPEL ANG PASSWORD. Mainam na isulat mo rin sa papel ang iyong password. Kumbaga, gumawa ka ng listahan ng mga password para madali mong mahagilap ang iyong password in case na makalimot ka. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng bitbitin palagi ang papel na ‘yun. Dapat ay mayroon ka ring back up list.


3. I-SEND SA SARILI ANG PASSWORD. Tutal, palagi mo namang hawak ang cellphone mo, i-send mo na rin sa sarili mong e-mail ang listahan ng iyong password. Siyempre, tiyakin mo ring secured ang iyong password dahil nagkalat ang hacker kahit saan. Huwag kang basta-basta magki-click o mag-i-input ng iyong personal information dahil sobrang dali para sa hackers na maka-hack online. Wala silang pinipili kaya, think before you click.


4. GUMAMIT NG IISANG PASSWORD SA LAHAT NG ACCOUNTS. Napakadaling tandaan kung iisang password lamang ang gagamitin sa lahat ng iyong social media accounts. ‘Yun nga lang, madali ka ring maha-hack dahil mas mabilis na nilang ma-a-access ang iba mo pang account dahil sa iisang password.


5. IPAALAM SA PINAKA-PINAGKAKATIWALAANG TAO ANG PASSWORD. Kapatid, dyowa o kaibigan, sinuman sa kanila ay puwedeng-puwede mong pagkatiwalaan ng iyong password. Siguraduhin lamang na katiwa-tiwala sila dahil baka dumating sa puntong sila pa mismo ang mang-hack sa account mo kung sakaling mag-away kayo.


Ngayong alam mo na kung paano ise-secure ang iyong password, sana ay hindi mo na ulit makalimutan ang iyong password.


Good luck sa online world, beshie!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page