ni Fely Ng - @Bulgarific | May 24, 2022
Hello, Bulgarians! Matapos ang mahabang proseso at ilang taong pagpapatayo ay pinasinayaan na ang pinakabagong city hall ng Lungsod ng Meycauayan noong Mayo 20, 2022 na maipagmamalaki sa buong Bulacan dahil sa world-class architectural design nito!
Ang 5-storey city hall ay sinimulang itayo noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni City Mayor Henry R. Villarica at ipinagpatuloy ng kanyang maybahay at kasalukuyang City Mayor ng Lungsod na si Linabelle Ruth Villarica.
‘Ika nga sa pagkain, kumpleto rekado ang kanilang bagong tahanan dahil mayroon itong heritage museum, pasalubong center, library, theater at helipad.
Minabuti ng mag-asawang Villarica na mas malapit ang Bahay Pamahalaan sa sentro ng komersyo ng lungsod at sa mas maraming mamamayan ng Meycauayan.
Simbolo ang bagong Tahanan ng Meycauayan ng lahat ng sakripisyo at tagumpay ng bawat Meycaueño.
Tunay nga itong maipagmamalaki hindi lang ng Meycaueño kundi ng buong Bulacan!
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments