top of page
Search

5 pekeng empleyado ng gobyerno, hinarang sa NAIA

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 29, 2023




Pinigilang umalis ng bansa ang limang Pinay na nagkunwaring empleyado ng gobyerno dahil sa pekeng travel documents, ayon sa Bureau of Immigration (BI) ngayong Linggo, Oktubre 29.


Hinarang ang limang Pinay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes, Oktubre 24, bago makasakay ng eroplano patungong Bangkok, Thailand.


“The passengers, who were promised high paying jobs in Thailand, presented dubious travel authority from government agencies where they are purportedly employed,” ayon sa BI.


Sa imbestigasyon, sinabi ng mga Pinay na sila'y walang trabaho at ang mga travel authority certificates at iba pang dokumento na kanilang isinumite ay pekeng dokumento at ibinigay lamang ng kanilang mga handler.


“At least two of the passengers admitted they each gave their recruiter more than P30,000 to facilitate their travel abroad,” sabi ng BI.


Isinumite na ang pagkakakilanlan ng umano'y recruiter sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon at paghahain ng mga nararapat na kaso.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page