ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 23, 2021
Patay ang limang katao matapos masunog ang pinakamalaking COVID-19 vaccine manufacturing hub sa buong mundo sa India noong Huwebes.
Ayon sa ulat, natagpuan ng mga rescue workers ang katawan ng limang katao sa ilalim ng construction building ng Serum Institute of India (SII) matapos ideklarang under control ang sunog.
Kinumpirma rin ni City Mayor Murlidhar Mohol ang bilang ng mga nasawi. Aniya, "Five people have died."
Ang naturang hub ay gumagawa ng Covishield COVID-19 vaccine na dinebelop ng AstraZeneca at Oxford University.
Pahayag ng SII, "It is not going to affect the production of the COVID-19 vaccine.”
Nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi ang CEO ng SII na si Adar Poonawalla.
Aniya, "We are deeply saddened and offer our deepest condolences to the family members of the departed.”
Samantala, inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng insidente.
Comentários