ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 27, 2021
Umakyat na sa lima ang bilang ng mga namatay sa pagguho ng isang bahagi ng 12-storey oceanfront building sa Surfside, malapit sa Miami Beach, Florida kamakailan.
"Today our search and rescue teams found another body in the rubble and as well our search has revealed some human remains," ani Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava noong Sabado nang gabi.
Aniya pa, "It means that the unaccounted is now gone down to 156, confirmed deaths are now at a total of five.” Inaasahan namang tataas pa ang death toll dahil nahihirapang magsagawa ng rescue operations ang awtoridad dahil sa dami ng gumuhong debris.
Gumamit na rin ng sniffer dogs at heavy machineries katulad ng mga cranes upang mahanap ang iba pang nawawala.
Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng pagguho ng naturang gusali ngunit, ayon sa awtoridad, noong 2018 pa ay mayroon nang nakitang “major structural damage” ang mga engineers at inspectors.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad at ang search, rescue and retrieval operations. Samantala, dahil sa insidente, ipinag-utos ni Mayor Cava na magsagawa ng isang buwang safety audit sa lahat ng gusali sa bansa na 40 years nang nakatayo.
Comments