top of page
Search
BULGAR

5 national roads sa Hilagang Luzon, naapektuhan nina Nika, Ofel

ni Eli San Miguel @News | Nov. 14, 2024



Photo: NikaPH / Cagayan PIO


Hindi pa rin madaanan ang hindi bababa sa limang national roads sa Hilagang Luzon, na naapektuhan ng mga Bagyong Nika at Ofel, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Huwebes.


Iniulat ng DPWH Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) na ang mga apektadong bahagi ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.


Sa CAR, naharangan ng landslide ang Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, at ang Lubuagan-Batong-Buhay Road ay sarado dahil sa pagdaloy ng mga debris.


Apektado rin ang JCT Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road dahil sa pagguho ng lupa. Sa Cagayan Valley, nananatiling may baha sa Sampaguita-Warat-Suerte-Catarauan-Afusing Road, at ang Cagayan-Apayao Road sa Itawes Overflow Bridge ay hindi madaanan dahil sa nasirang tulay.


Nagtatrabaho ang DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMT) upang linisin ang mga naharang na kalsada, habang 18 pang kalsadang apektado ng bagyo ang muling binuksan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page