top of page
Search
BULGAR

5 magagandang simbahan sa Pinas

ni Lolet Abania | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Halos apat na buwan na stay at home tayo dahil sa pandemya ng coronavirus. Matagal na naisara ang mga simbahan natin at nakontento na rin tayo sa mga online mass at walang religious gatherings. Pero sa ipinakikitang paglaban natin sa krisis na ito, magbubukas na rin ang mga simbahan simula July 10. Sa iba’t ibang lugar masisilayan na natin ang magagandang simbahan sa bansa, heto ang ilan sa kanila.


  1. Betis Church sa Guagua, Pampanga. Isang Baroque-inspired na simbahan ito na ginawa noong 1660. Tinaguriang Sistine Chapel ng Pilipinas dahil sa natatanging European-styled murals at carvings. Orihinal na gawa ni Macario Ligon at idineklara ito bilang National Cultural Treasure ng National Museum at ng NCAA.

  2. Caleruega Church sa Brgy. Caylaway, Batulao, Nasugbu, Batangas. Ito ay inspired mula sa isang bayan sa Spain, na birthplace ni St. Dominic de Guzman, ang ama ng Order of Preachers. Nakatayo ito sa itaas ng burol at puno ng magagandang halaman ang paligid at papasok ng simbahan. Kilala ang church para sa nais ng reflection at relaxation dahil isa rin itong retreat house.

  3. Miag-ao Church sa Zueleta Ave., Miagao, Iloilo. Tanyag sa pagkakaroon ng artistic sculptural relief carved sa paligid nito at natayo ang simbahan noong 1797. Naging kanlungan ito ng mga tao noon laban sa mga Muslim raiders. Nagtataglay ng extraordinary construction at hindi matatawarang disenyo. Ang yellowish hue nito na ang konstrusyon ay galing sa adobe, egg, coral at limestone.

  4. Paoay Church sa Marcos Ave., Paoay, Ilocos Norte. Ito ay kilala rin bilang St. Augustine Church, na naitayo noong 1894 sa pangunguna ni Fr. Antonio Estavillo. Ang istruktura ng simbahan ay tinawag na “Earthquake Baroque” dahil sa kakaibang kombinasyon ng gothic at oriental designs.

  5. St. Andrew Kim Parish sa Project Pangarap, Bocaue, Bulacan. Ito ay inspired sa isang Korean at European structural design. Ang simbahan ay itinayo bilang pagbibigay parangal sa unang Korean Catholic priest na nag-aral at namuhay sa Bulacan. Dahil sa malinis at napapalibutan ng mapuputi, itim at ginto ang simbahan, kaya kitang-kita ang kagandahan lalo na kapag nasinag ng araw.


Gawang Pinoy ang mga simbahang puwedeng maipagmalaking sa buong mundo. Sigurado rin ang patuloy na basbas at pagpapala ng ating Diyos sa mga ito, kahit pa sabihing matagal na hindi tayo nakapasok sa mga simbahan.

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page