top of page
Search

5 lugar Signal No. 2 dahil sa Bagyong Neneng — PAGASA

BULGAR

ni Lolet Abania | October 15, 2022


Lumakas pa ang Tropical Depression Neneng at isa nang tropical storm habang mabilis na kumikilos pakanluran ng Philippine Sea, silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Sabado.


Batay sa 5PM bulletin ng PAGASA, si ‘Neneng’ ay tinatayang nasa layong 255 km east southeast ng Calayan, Cagayan o 230 km east ng Aparri, Cagayan (18.6 °N, 123.8 °E ).


Kumikilos ngayon ito pakanluran ng 30 km/h na may maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa sentro at gustiness na aabot ng hanggang 80 km/h.


Ayon sa PAGASA, “Neneng intensified into storm at 2:00 p.m. Saturday, and is forecast to become severe tropical storm while moving over the Babuyan Islands-Batanes area.”


“Moreover, it could further intensify into a typhoon on Tuesday,” sabi pa ng PAGASA.


Samantala, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes; Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands; Apayao; ang northern portion ng Abra (Ting, Lacub, Cagayan) at Ilocos Norte.


Habang nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ang northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas), Kalinga, ang natitirang bahagi ng Abra, ang northern portion ng Mountain Province (Paracels, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Besao), at ang northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Cagayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page