ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021
Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 5 S-70i Black Hawk utility helicopters mula sa Poland na magagamit ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon sa PAF, dumating sa Clark Air Base, Pampanga ang mga helicopters noong Lunes.
Sa kabuuan ay 11 sa 16 Black Hawk na in-order ng PAF ang natanggap na ng bansa.
Noong Disyembre 2020 unang dumating ang 6 na helicopters at tinatayang darating ang lima pa bago matapos ang taong 2021.
Magagamit din umano ang mga Black Hawk sa pagta-transport ng mga bakuna at personal protective equipment sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Saad pa ng PAF, "With this new arrival, the PAF will be a better partner in the fight against the pandemic and a reliable ally in nation building.”
Kommentare