top of page
Search
BULGAR

5 Covid patients, nakumpleto na ang anti-flu drug ng Japan

ni Lolet Abania | December 14, 2020




Limang pasyenteng may COVID-19 ang nakakumpleto na ng isinagawang clinical trials ng Japanese anti-flu drug na Avigan, ayon sa Department of Health (DOH).


Sinabi ni DOH Usec. Rosario Vergeire na ang limang pasyente ay kabilang sa 16 na nagpatala para sa trials.


“Of the 16, nine are active, five have completed it, while two others have withdrawn,” sabi ni Vergeire sa isang online forum ngayong Lunes.


Subali’t hindi niya binanggit ang dahilan kung bakit umurong ang dalawa sa partisipasyon sa nasabing trials.


Kabilang sa mga ospital na nagsagawa ng Avigan trials ay Philippine General Hospital, Quirino Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Hospital at Sta. Ana Hospital.


“Tuluy-tuloy ang pagre-recruit natin ng pasyente,” ani Vergeire.


Noong nakaraang buwan, inanunsiyo ni Vergeire na pinagaan nila ang ipatutupad na protocols para sa Avigan trials upang madagdagan ang ire-recruit na pasyente. Sa na-revise na protocol, pinapayagan para sa Avigan clinical trials ang mga non-severe COVID-19 patients, mayroon o walang pneumonia at hindi sumailalim sa oxygen support.


Sa ilalim naman ng protocol ng gobyerno, ang mga mild cases ay hindi na kailangang ipasok sa mga ospital subalit sila ay dapat nasa mga temporary treatment at monitoring facilities – isang polisiya na isinasagawa salungat sa nakaraang Avigan clinical trial protocol kung saan kinakailangan na i-administer ang anti-flu drug sa isang ospital.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page