ni Thea Janica Teh | August 24, 2020
Limang bayan sa Negros Occidental ang sasailalim sa four-day lockdown simula August 28.
Ito ay para maisagawa ang mass testing para sa 10,000 residente. Ang mga lugar na ito ay sa bayan ng Bacolod, Bago, Talisay, Silay at Murcia. Ito umano ay sagot ng local government.
Bukod pa rito, sasailalim din sa localized lockdown ang dalawang purok sa Barangay Fatima sa General Santos City matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang online seller.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing. Kapag ang lahat ng seller ay na naka-close contact nito ay natagpuan na atsaka ibababa ang lockdown.
Samantala, nagpositibo sa COVID-19 sina Victoria Laguna Mayor Frankie Almeda at Mauban Quezon Mayor Marita Llama. Pareho naman itong asymptomatic at nakasailalim sa home quarantine.
Ibinahagi rin na ang Carmona Evacuation Center sa Cavite ay magiging quarantine facility na kayang maglagay ng 100 cubicle, laundry hub at nursing station.
Ito ay hindi lamang para sa mga resident eng Carmona kundi pati na rin sa mga pasyente ng CALABARZON. Ito ay inaasahang magbubukas sa September 4.
Comments