ni Lolet Abania | August 31, 2022
Inanunsiyo na ng Malacañang ang mga bagong appointments para sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Sa Palace press briefing ngayong Miyerkules, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang mga bagong appointees ay sina Alexander Ramos, Executive Director V; Mary Rose Magsaysay, Deputy Executive Director; Patricia May Abejo, Director IV; Rojun Hosillos, Director IV; at Alvin Miro Navarro, Director IV.
Ang CICC ay isang attached agency ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kabilang sa kanilang mandate ang pag-monitor ng mga cybercrime cases na hawak ng mga law enforcement at prosecution agencies, at pagpa-facilitate ng international cooperation hinggil sa intelligence, mga imbestigasyon, training, at capacity-building kaugnay sa cybercrime prevention, suppression, at prosecution.
Comentários