top of page
Search
BULGAR

5,325 OFWs, binigyan ng ayuda

ni Eli San Miguel @News | October 26, 2023





Nakatanggap ng tulong ang 5,325 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Department of Migrant Workers (DMW).


Sa hearing ng Committee on Overseas Workers Affairs sa House of Representatives nitong Huwebes, sinabi ni DMW Acting Secretary Hans Leo Cacdac na ginamit ang P414 milyon mula sa P1.2 bilyong pondo ng kagawaran upang magbigay tulong sa mga repatriated na OFW mula sa lindol sa Turkey, kaguluhan sa Sudan, mga kalamidad sa Middle East, at Israel-Hamas war sa Israel, Gaza, at Lebanon.


Sinabi ni Cacdac na ginamit ang budget para sa legal, medikal, at humanitarian assistance para sa mga OFW. Dagdag pa niya, nakatanggap ang mga repatriated ng P30,000 na tulong-pinansiyal pag-uwi, at nakatanggap naman ang mga repatriated na galing sa mga lugar ng digmaan ng P50,000.


“May balanse pa tayong around P780 million. Meron po tayong catch-up plan na sinasagawa for the last two months of the year. Most of these funds will be rolled over to 2024 anyway, at plano naman po natin na gugulin ito sa 2024,” sabi ni Cacdac.


Sinabi rin ni Cacdac na tinutulungan ang pamilya ng 746 OFWs sa Israel at Gaza na hanapin ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.


Sa kabuuang bilang, 744 ang natagpuan na, may apat na iniulat na patay, at dalawa pa ang hinahanap.


Noong Miyerkules, kinilala ng pamahalaang Israeli ang dalawang Pilipino sa mga bihag ng Hamas.


“Ayon na din sa utos ng ating mahal na pangulo, gawin lahat ng makakaya natin para tulungan ang mga nanumbalik at yung pamilyang naiwan ng apat na nasawi. Kaya nakatutok po tayo together with administrator Arnell Ignacio at ang OWWA sa pagtulong sa pamilya ng apat na nasawi,” pahayag ni Cacdac.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page