top of page
Search
BULGAR

5,000 kaso ng COVID-19, pinakamataas na naitala sa ‘Pinas sa isang araw

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 13, 2021





Umakyat na sa 616,611 ang naitalang kaso ng COVID-19, kung saan 5,000 ang nadagdag sa mga nagpositibo ngayong araw, Marso 13, at tinatayang pinakamataas na ulat mula noong ika-26 ng Agosto, 2020, ayon sa Department of Health.


Samantala, mayroon namang naitalang 281 na gumaling, habang 72 ang pumanaw.


Sa kabuuang bilang, mahigit 88.7% ng 547,166 ang lahat ng gumaling at 2.07% ng 12,766 naman ang namatay.


Sa ngayon ay patuloy ang vaccination rollout sa bansa at ang pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa mga bakuna kontra COVID-19.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page