top of page
Search

4K pulis, na-promote sa mas mataas na ranggo — NCRPO

BULGAR

ni Lolet Abania | January 10, 2023



Mahigit sa 4,000 pulis sa Metro Manila ang na-promote sa mas mataas na ranks sa kanilang hanay, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Martes.


Si NCRPO regional director Police Major General Jones Estomo ang siyang nag-administer ng promotion ng mga police commissioned at non-commissioned officers.


Nasa tinatayang 12 pulis ang na-promote bilang Police Major, 462 bilang Police Captain, 38 bilang Police Lieutenant, 82 bilang Police Executive Master Sergeant, 266 bilang Police Chief Master Sergeant, 168 bilang Police Senior Master Sergeant, 345 bilang Police Master Sergeant, 2,118 bilang Police Staff Sergeant, at 1,170 bilang Police Corporals.


“In every promotion comes maturity,” pahayag ni Estomo sa oath taking ng mga bagong promoted na police officers na ginanap sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ngayong Martes.


Ayon kay Estomo, ang nasabing promosyon ay resulta ng kanilang merit system na ibinibigay sa Philippine National Police (PNP) uniformed personnel para sa kanilang “selfless years to service.”


Hinamon naman ni Estomo ang mga police officers na manatili silang matuwid at umiwas na masangkot sa anumang ilegal na mga aktibidad.


“Iisa lang ang hamon ko sa inyo, ‘wag kayong sasama sa mga ilegal lalo na sa ilegal na droga dahil unang-una, sayang ang inyong promotion at kawawa ang inyong pamilya,” sabi ni Estomo.


“Always remember to live up the goal the S.A.F.E NCRPO. We must be seen by the people, all our actions must be appreciated, and all our programs and actions must be felt by our people through our extraordinary actions,” dagdag ng opisyal.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page