top of page
Search
BULGAR

4K Pinoy, nabenepisyuhan sa ‘Balik Probinsiya’ program — NHA

ni Lolet Abania | June 14, 2022



Mahigit sa 4,000 Pilipino na ang nakinabang mula sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” (BP2) na programa ng gobyerno, ayon sa National Housing Authority (NHA) ngayong Martes.


“Sa ngayon sa kabuuan may 4,214 principals. Kung isasama natin ang miyembro ng kani-kanilang pamilya, we have a total of 15,215 individuals,” sabi ni NHA B2 head Joy Bala sa Laging Handa public briefing.


“Ito po ay kombinasyon ng regular na pagpapauwi ng NHA at pagpapauwi ng DSWD [Department of Social Welfare and Development],” saad ni Bala. Matatandaan na sinimulan ng administrayong Duterte ang BP2 program sa gitna ng COVID-19 pandemic upang makatulong sa mga naninirahan sa Metro Manila na makabalik na sa kanilang mga pinagmulang lalawigan.


Ayon kay Bala, nasasakop ng serbisyo nito ang mga benepisyaryo mula sa halos lahat ng probinsiya sa bansa na ilan sa mga nagnais na makauwi ay sa La Union, Ilocos Sur, Isabela, Masbate, Sorsogon, Albay, at Camarines Norte. Kabilang sa iba pang lugar ay sa lahat ng lalawigan ng Region 5, Sultan Kudarat, Cotabato, Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, at Agusan.


Tiniyak naman ng NHA sa publiko na lahat ng nag-avail ng programa ay makatatanggap ng assistance mula sa mga government agencies at sa kani-kanilang local government units (LGUs).


“As soon as they arrive in their destination mayroong ibinibigay ang mga probinsya,” pahayag ni Bala. “Aside from that, the member-agencies of the BP2 program… may ibinibigay pa rin po. Ang kailangan lang ay certificate of eligibility na binibigay ng NHA bilang patunay na beneficiary ng BP2 program,” paliwanag ni Bala.


Hindi naman masabi ng opisyal ang eksaktong figures kung ilang housing projects ang nai-turned over sa mga benepisyaryo. Gayunman, ayon kay Bala, ang NHA ay kasalukuyang nagko-construct ng dalawa pang major housing projects sa Zamboanga del Norte at Lanao.


“Patuloy ang pagpapagawa ng mga bahay doon at patuloy ang qualification process ng mga BP2 beneficiaries na nagnanais na mag-avail ng housing benefits mula sa NHA,” sabi pa ni Bala.


Nag-abiso rin si Bala sa mga interesado na mag-avail ng housing program na bisitahin lamang ang kanilang website. Maaari rin silang bumisita sa NHA main office sa Quezon City o mag-inquire sa pinakamalapit na opisina ng DSWD.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page