ni Eli San Miguel @Overseas News | September 15, 2024
Hindi bababa sa tatlong tao ang nasawi at 49 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong tren sa lungsod ng Zagazig, hilagang-silangan ng Cairo, ayon sa pahayag ng Ministry of Health ng Egypt nitong Sabado.
Dagdag pa ng ministry, nasa malubhang kondisyon ang lima sa mga nasugatan. Inihayag din na dinala na sa mga ospital ang mga sugatan at patuloy pa rin ang mga rescue operations.
Ayon sa pahayag ng railway authority, patungo ang isang tren sa Ismailia mula Zagazig, habang ang isa naman ay nagmumula sa lungsod ng Mansoura patungo sa Zagazig. Sa loob ng ilang taon, nagsusumikap ang Egypt na paunlarin ang kanilang tumatandang transportasyon, i-modernisa ang mga tren, at pagandahin ang mga railway lines.
Comentarios