top of page
Search
BULGAR

48 NBA players, nagpositibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | December 3, 2020




Nasa 48 NBA players ang naitalang nagpositibo sa COVID-19, kasabay ng pagbabalik ng mga ito sa kanilang team home markets para sa pagsisimula ng 2020-2021 season sa December 22, ayon sa pahayag ng league.


Ayon sa NBA, umabot sa 546 players ang nai-test sa COVID-19 na bahagi ng kanilang inisyal na “return-to-market testing phase” na isinagawa noong November 24 at November 30.


Gayunman, ang mga nagpositibo sa test ay inilagay na sa isolation at mananatili roon hanggang sa tuluyang gumaling sa ilalim ng ipinatutupad na panuntunan ng liga.


Samantala, ang Raptors, ang nag-iisang Canadian team sa liga ay magsisimula pa lamang ng kanilang season sa Tampa, Florida, dahil sa mahigpit na international travel restrictions, kasabay pa nito ang pagtaas ng COVID-19 cases sa United States, kung saan maraming nai-record na naoospital sa apat na sunud-sunod na araw kamakailan lang.


Ang NFL naman na kasalukuyan nang naglalaro, at MLB na nahinto rin sa laban, mula sa delayed season ng kanilang World Series noong October ay parehong nahihirapang makabawi dahil sa mga game postponements at ilang nagpositibo sa kanila sa COVID-19, kung saan ang mga players ay nagta-travel pa mula sa iba’t ibang lungsod para lumaban sa kabila ng pandemya.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page