top of page
Search
BULGAR

48 LGUs, lumagda sa programang pabahay ng gobyerno – DHSUD

ni Lolet Abania | January 5, 2023



Halos 50 local government units (LGUs) ang lumagda sa isang memorandum of agreement (MOU) kasama ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para sa national housing program ng gobyerno.


Ayon kay DHSUD Undersecretary Avelino Tolentino III, sa ngayon nasa 48 LGUs ang nakapirma na sa MOUs kasama ang ahensiya para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program, na layong maitayo ang 6 milyong tirahan.


“Natutuwa po tayo dahil nu’ng 2022 po, tayo po ay nakapag-12 groundbreaking events at tayo po ay nagkaroon po ng 48 MOU signings with various local government units,” pahayag ni Tolentino sa public briefing ngayong Huwebes.


Sinabi ni Tolentino na si Baguio Mayor Benjamin Magalong ay nakatakda na ring lumagda sa isang MOU kasama ang DHSUD ngayong araw.


“[A]ng Baguio City ay mag-allocate po ng 6.3 hectares na lupa to target at least 2,000 beneficiaries at sila po ay tumitingin para magtayo ng 20-story building… sa Tuba, Benguet,” saad ni Tolentino.


Kaugnay nito, ayon kay Tolentino, plano ng DHSUD na simulan ang full construction ng mga lugar na sumailalim na sa groundbreaking ceremonies.


“Ang atin pong priority ay ‘yun pong ating mga na groundbreaking po ay tuloy-tuloy po sa full-blown construction at hindi po tayo nag papahinga dito po sa aming tanggapan kami ho ay patuloy pong nagpa-package ng susunod na round po ng project,” ani Tolentino.


Umaasa rin ang opisyal na mas marami pang LGUs na lalagda sa MOUs sa ahensiya.


“Naniniwala rin po kami na with the construction in full swing at nakikita po ng ating partner LGUs na tumutbo na po itong ating mga construction sa mga nauna nating mga LGUs ay susunod na po ang ating mga iba pang LGUs sa pag suporta dito sa ating Pambansang Pabahay,” sabi pa ni Tolentino.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page