top of page
Search
BULGAR

47 caregivers, nakaalis na… OFWs, puwede na uli sa Israel


ni Lolet Abania | July 29, 2021



Inumpisahan na ng Pilipinas na magpadala ng mga home-based caregivers sa Israel kasunod ng isang labor agreement na pinirmahan ng dalawang bansa noon pang 2018.


Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Huwebes, 48 caregivers ang umalis patungong Israel nitong Martes, Hulyo 27.


Batay naman kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Bernard Olalia, bahagi sila ng unang batch ng 377 overseas Filipino workers (OFWs) na nakatakda sanang i-deploy noong nakaraang taon, subalit nagkaroon ng pagkaantala sa pagpoproseso ng kanilang mga dokumento at flights dahil sa COVID-19 restrictions.


“We are now processing the documents of the qualified applicants for the second round of recruitment, and this time, we are looking at more than 1,000 OFWs who will undergo the usual process of selection, hiring and matching with their respective employers in Israel,” ani Olalia.


Bukod sa mga caregivers, household service workers, at nurses, ayon sa DOLE, hiniling din ng Israel ang iba pang manggagawa sa mga sektor ng technology, services, hospitality at manufacturing.


Sinabi pa ni Olalia na ang deployment ng mga OFWs sa Israel ay sang-ayon sa labor agreement na pinirmahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at dating Israeli Interior Minister Aryeh Machluf Deri. “We took the initiative to address the concern and request of Israel for caregivers. Since we cannot disregard the fact that there are illegal recruiters here and there, Secretary Bello continues to remind OFWs to avoid dealing with bogus recruiters and under-the-table transactions that require placement fees of about P500,000,” sabi ni Olalia.


Matatandaang noong May, pansamantalang sinuspinde ng DOLE ang deployment ng OFWs sa Israel kasunod ng labanan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants. Gayunman, binawi ng bansa ang suspensiyon noong Hulyo 14 kasabay ng umaayos na sitwasyon ng seguridad sa Israel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page