ni Gina Pleñago | June 25, 2023
Tinatayang nasa 454 ang nagtapos para sa Basic Recruit Course sa Bureau of Corrections (BuCor) kamakalawa sa NBP Parade Ground, Muntinlupa City. Umabot sa 379 na lalaki at 75 na babaeng Correction officers ng Class 20-2022
"Mandatos"(Mananatiling may Dangal at Tapat sa Organisasyon at Serbisyo) ang nagtapos sa kaukulang training.
“Kayo ang pag-asa ng BuCor at kayo rin ang tagapagmana nito kaya ayusin n'yo ang serbisyo sa pamamagitan ng serbisyong may disiplina at dignidad. Gusto ko may disiplina kayo kasi part 'yan ng training n'yo at dahil bayad 'yan ng sweldo n'yo na galing sa pera ng taumbayan,” ani BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr.
Dumalo rin sa okasyon sina Gen. Al Perreras, OIC-Deputy Director General for Administration at Chief, Legal Service; J/CInsp Florencio Orillosa, acting Director, Corrections National Training Institute; C/SInsp Abel DR Ciruela, MSCA, acting Chief, Human Resource Division, iba pang opisyal at tauhan ng BuCor.
Binigyan ng parangal at pagkilala ang mga nagsipagtapos na may outstanding achievements sa iba't ibang kategorya bilang class top achievers mula sa ranggong 1-10 ayon sa pagkakasunod na sina CO1 David F. Caimoy, CO1 Princess Mae D. Etulle, CO1 Robin A. Gacias, CO1 Demie Anne Zedice T. Yamon, CO1 Joyce Marie B. Gonzaga, CO1 Doris Stephanie T. Abella, CO1 Jay G Quisay, CO1 Rasheena Jane T. Encarnacion, CO1 Jep G. Omehang at CO1 Rachael L. Reponte.
Tumanggap ng Leadership Award si CO1 Steven Zenrick Gaspar; CO1 Robin A. Gacias- Tactical Leadership; CO1 Romello L. Belloca at CO1 Demie Ann Zedice T. Yamon para sa Marksmanship; habang nasungkit naman nina CO1 Jayson O. Lampago at CO1 Sheryl J Villasi ang parangal na Bernardo Carpio.
Patuloy naman ang mga ginagawang hakbang ni Catapang para sa reporma ng BuCor sa pagpapabuti ng kanyang mga tauhan upang maipatupad nang pangkalahatan ang modernisasyon alinsunod sa R.A. 10575 o Bureau of Corrections Act of 2013.
Comments