ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 2, 2023
Inaasahan na babalik na sa bansa ang nasa 45 Pilipino mula sa Israel sa Nobyembre 6, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Huwebes.
“There are 45 Filipinos arriving from Israel on November 6, and that is good news,” sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam ng ANC.
Dagdag niya, anim na Pilipino mula sa Lebanon ang inaasahang darating sa Biyernes, ika-3 ng Nobyembre, alas-6 ng gabi, bilang tugon sa kahilingan ng pamahalaan para sa voluntary repatriation sa gitna ng lumalalang labanan sa pagitan ng Israeli Defense Forces at Hamas.
Sinabi ni De Vega pagkatapos na mas marami nang mga Pilipino sa Gaza at West Bank, na kasalukuyang ino-okupa ng Israel at nakakaranas ng pagtaas ng mga insidente ng pag-atake ng mga Israeli settler laban sa mga Palestinian, na nagpapahayag ngayon ng kagustuhang bumalik sa Pilipinas.
“There are two Filipinos in the West Bank who crossed the border to Jordan for repatriation, and we are working on that problem since they have no papers both for Jordan or the West Bank,” ani De Vega.
“In Gaza, there are still 134 [Filipinos] there. Of this number, 115 now want to go home, which is up from 78 just a few days ago. It means our fellow Filipinos are heeding our call for repatriation,” dagdag niya.
Comments