top of page

44 yrs. na sa TV… JOEY, PROUD NA SIYA ANG NAKAISIP NG TITLE NA EAT BULAGA!

  • BULGAR
  • Dec 14, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 14, 2022






Ibang-iba ang style ng veteran comedian na si Joey de Leon kapag may nakakasama siyang pasaway o may attitude na artista. Sa halip na tarayan at sitahin niya ang mga nale-late dumating sa teyping, drastic ang kanyang action!


Hindi siya nagwo-walkout sa teyping ng show, sa halip ay ipinatitigil na niya mismo ang programa, tulad ng ginawa niya noon sa T.O.D.A.S..


May mga artistang kasama sa show ang madalas na late kung dumating sa teyping.


Kaya nang maubos ang kanyang pasensiya ay sinabihan niya ang staff at management na itigil na ang T.O.D.A.S. dahil iiwan na niya ang show. Si Joey de Leon ang pinakaposte ng nasabing show kaya hindi na itinuloy nang iwanan niya ang programa.


Limang dekada na sa showbiz si Joey de Leon kaya naikot na niya halos ang lahat ng TV networks at radio stations. Bahagi siya ng Eat… Bulaga!, ang longest-running noontime show sa 'Pinas na 44 years nang umeere.


Pa-trivia pa ni Joey, siya ang nakaisip ng titulo ng Eat… Bulaga! noong nag-uumpisa pa lamang ito. Dito nabuo ang grupo nilang Tito, Vic and Joey (TVJ).


Sa ngayon ay hindi na gaanong tumatanggap ng pelikula si Joey de Leon, semi-retire na siya. Pero nang ialok sa kanya ni Direk Paul Soriano ang My Teacher na entry sa MMFF 2022 ay nagustuhan niya ang istorya kaya tinanggap niya. Besides, si Toni Gonzaga ang kasama niya sa movie at dating Dabarkads si Toni kaya hindi niya matanggihan!


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page