ni Thea Janica Teh | October 7, 2020
Tinatayang aabot sa 43,000 manok ang namatay sa isang poultry farm sa Bgy. Maravilla,
Nagcarlan, Laguna matapos na aksidenteng mawalan ng kuryente nitong Martes.
Sa loob ng mahigit isang oras, hindi napagana ang naka-install na generator kaya nasawi
ang mga manok dahil sa sobrang init.
Napag-alamang P6 milyon ang nalugi sa may-ari dahil sa nangyaring insidente.
Ayon kay Maravilla Bgy. Chairwoman Minda Ido, para mapakinabangan pa ang mga manok ay napagdesisyunan ng may-ari na ipamigay ang mga ito sa mga residente.
Sinabi naman ni Nagcarlan Municipal Agriculturist Abeth Lucas na ligtas kainin ang mga
manok dahil hindi ito namatay sanhi ng sakit.
Comments