top of page
Search
BULGAR

420,000 doses ng bakuna, ipinadala sa Northern Mindanao


ni Lolet Abania | June 16, 2021




Nasa 420,000 doses ng COVID-19 vaccine ang naipadala na sa Region 10 o Northern Mindanao, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon ngayong Miyerkules.


Ito ang tugon ni Dizon matapos ang naging kritisismo ni Cagayan de Oro lawmaker at Deputy Speaker Rufus Rodriguez na aniya, ang Mindanao ay napabayaan umano ng gobyerno sa COVID-19 response dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna kung saan marami rin sa kanila ang namatay.


“420,000 doses have been delivered to Region 10, and 56,000 of them were delivered yesterday,” ani Dizon sa isang TV interview.


Ayon kay Dizon, sa nai-deliver na 56,000 doses, 35,000 dito ay Pfizer-BioNTech doses habang 21,000 ay Sinovac doses. “We are not leaving anybody behind. We still have scarcity of vaccines, but we will be giving vaccines as fast as we can to those who need them most,” sabi ni Dizon.


Paliwanag niya, ang pagdi-distribute ng bakuna ay base sa pinakamataas na naitatalang panganib ng impeksiyon, kung saan mga lugar na malaki ang populasyon at mga lugar na may malaking kontribusyon sa ekonomiya.


“That is why we are prioritizing NCR Plus 8 (Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu and Metro Davao) since these are economic centers,” ani Dizon. “We also have expansion areas, including Cagayan de Oro and Iloilo City. That strategy [of prioritizing economic centers] is what makes the most sense,” dagdag pa niya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page