top of page
Search
BULGAR

40K tropa, ikakalat sa May 9 elections – AFP

ni Lolet Abania | May 1, 2022



Magtatalaga ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mahigit sa 40,000 sundalo o personnel sa buong bansa para sa May 9 national at local elections.


Sa isang interview ngayong Linggo kay AFP spokesperson Army Colonel Ramon Zagala, sinabi nito na si AFP chief of staff General Andres Centino ay nagbigay na ng direktiba sa kanila na i-adopt nila ang dalawang paraan o mode ng operasyon para sa nalalapit na eleksyon.


“’Yan ay ang election mode which means lahat ng election duties at tasks, at ang combat mode para ma-suppress natin ang lahat ng threat groups at lawless elements,” saad ni Zagala.


Binanggit ng opisyal na ang 40,000 AFP troops na ikakalat sa lahat ng rehiyon sa bansa ay nakatakdang mag-monitor sa 14 lungsod at 105 bayan na itinuturing bilang “election areas of concern” sa ilalim ng tinatawag na highest red category.


“Lahat ng area commands nagdagdag tayo ng tropa. Iba-iba ‘yung numbers depende sa pangangailangan,” ani Zagala.


“Lahat ng available nating kasundaluhan will be made available for them. Kung kinakailangan pa, pwede pang dagdagan,” sabi pa niya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page