ni Angela Fernando - Trainee @News | January 4, 2023
Mariing itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes ang posibleng pagtaas ng pasahe sa mga jeep dahil sa PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Sa panayam kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan sa Bagong Pilipinas Ngayon, kinumpirma nitong ang pagtaas ng pasahe ay kailangan munang dumaan sa proseso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Saad ni Batan, “Atin pong binibigyan ng paalala ang atin pong mga commuters, iyong mga naririnig po natin na magkakaroon po ng 300 to 400% na increase ay wala pong batayan at hindi po inaasahan ang ganyang taas-pasahe sa consolidation at PUV Modernization Program.”
Nagpaalala rin ang DOTr undersecretary na 1 piso hanggang 2 piso lang ang itinaas sa mga nagdaang pasahe.
Comments