ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021
Lilipad na patungong Beijing, China ang Philippine Airlines (PAL) B777 mamayang gabi, Marso 23, para kunin ang 400,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines at inaasahan na makakabalik ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 bukas nang umaga, Marso 24.
Ayon pa sa PAL, "This will be a milestone flight for PAL as it marks the flag carrier's first airlift of COVID-19 vaccines to Manila from an international hub."
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) ay umabot na sa 336,656 healthcare workers ang nabakunahan kontra COVID-19.
Matatandaang unang dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac at sinundan ito ng 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang operasyon ng 1,623 vaccination sites sa loob ng 17 rehiyon, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
コメント