top of page
Search
BULGAR

40 Pinoy inilikas na mula sa Kyiv, Ukraine – DFA

ni Lolet Abania | February 26, 2022



Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Sabado na mahigit sa 40 Filipinos ang inilikas mula sa Kyiv patungo sa lungsod ng Lviv sa Ukraine at sa ngayon ay naghihintay na ng repatriation sa gitna ng ginawang invasion ng Russia sa naturang bansa.


Ayon sa isang tweet nitong Biyernes ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, natanggap na ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz at nasa Lviv na ang 37 Pinoy, kung saan nag-travel ang mga ito nang buong araw mula Kyiv, habang aniya, may nauna nang anim na nakauwi na.


Nananatili ang mga nasabing Pinoy sa isang hotel sa Lviv, na ayon kay Ruiz, ang Philippine Embassy ay aasistihan sila sa kanilang pag-alis sa Ukraine at sa pagpasok sa Poland para maayos na makasakay sa kanilang flights pauwi na sa Pilipinas.


“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,” paliwanag ni Ruiz.


Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naghanda na ang pamahalaan ng mga local at international relocation para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Ukraine sa gitna ng laban ng naturang bansa sa Russia.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page