ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 14, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_fc481bdf3a0f4f148accaaed0c5208b9~mv2.png/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_85,enc_auto/1ae136_fc481bdf3a0f4f148accaaed0c5208b9~mv2.png)
Natupok ang tahanan ng 40 pamilya sa isang residential area sa Upper Calarian, Zamboanga City ngayong Martes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-4:20 ng madaling-araw sa bahay ng isang Roger Cañete.
Agad na kumalat ang apoy sa mga istrukturang gawa sa magaan na materyal at umabot sa second alarm bago ito naapula alas-5:13 ng madaling araw.
Tinatayang 1.2 milyong piso ang pinsala nito sa mga ari-arian.
Itinakda naman ni Mayor John Dalipe ang City Social Welfare and Development Office na magbigay agad ng tulong sa mga biktima na pansamantalang titira sa Flamingo covered court.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.
תגובות