top of page
Search
BULGAR

40-M doses ng Pfizer, bibilhin ng ‘Pinas sa US

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 13, 2021




Nakikipagnegosasyon na ang ‘Pinas sa American drug firm para sa 20 hanggang 40 milyong doses ng Pfizer-BioNTech na bakuna kontra COVID-19, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ngayong Martes, Abril 13.


Aniya, “Natutuwa po kami sa Pfizer on their commitment… kasi we are negotiating 20 million to 40 million doses.”


Nilinaw din niyang nakahanda ang America upang ibigay sa mga kapanalig na bansa ang mga sosobrang bakuna kapag nabakunahan na ang kanilang buong populasyon.


Giit pa ni Galvez, “Nakita po namin by July 4, once na matapos ang inoculation sa US, sinabi naman po ng US, they would spare some of their excess doses to their allied countries.”


Matatandaang 29 na senior citizens sa Norway ang namatay matapos mabakunahan ng Pfizer kontra COVID-19. Gayunman, valid pa rin ang emergency use authorization na ibinigay ng ‘Pinas sa nasabing bakuna sapagkat nilinaw ng ilang eksperto na karamihan sa mga nabakunahan ay mayroon nang kumplikasyon.


"Norwegian authorities have said that based on about 13 autopsies of these people above 85 years old who actually have a lot of chronic illnesses, it's possible, it may have contributed to their demise but they are not categorically stating that it is the vaccine that caused their deaths," paglilinaw pa ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, at ang Sputnik V ng Gamaleya Institute.


Samantala, inaasahan namang maaaprubahan ang EUA ng Moderna ngayong linggo, kung saan mahigit 194,000 doses nito ang nakatakdang dumating sa Mayo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page