ni Mai Ancheta @News | September 23, 2023
Nasa 26 na mga bayan sa Batangas ang apektado ng volcanic smog o vog mula sa asupreng ibinubuga ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, inaalalayan na ang mga local government units na apektado ng vog upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang constituents.
Namigay na rin ang provincial government ng N95 face masks at pulse oximeters.
Samantala, 40 estudyante ang isinugod sa iba't ibang ospital sa Tuy, Batangas matapos makaramdam ng paninikip ng paghinga, pagkahilo at pangangati ng lalamunan dahil sa volcanic smog.
Nagbabala naman ang mga eksperto na iwasang makalanghap o makasinghot ng smog dahil posibleng mapinsala ang baga at maaaring magpalala sa asthma o hika ng mga mayroon nito.
Comments