ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023
Nagpahayag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panawagan sa publiko na huwag magbigay ng aginaldo sa mga taong namamalimos sa kalsada sa nalalapit na Kapaskuhan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang pagbibigay sa mga pulubi ay parang panghihimok na manatili sila sa lansangan.
Matatandaang ang Presidential Decree 1563 na mas kilalang Anti-Mendicancy Law, sa ilalim ng dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr., ay nagpapataw ng multang umaabot sa ₱1K at posibleng pagkakakulong hanggang apat na taon sa mga taong mahuhuling nagbibigay ng limos.
Pahayag ng DSWD, may mga nakahanda silang programa para sa mga taong nanlilimos at walang tahanan tulad ng Oplan Abot kung saan pansamantala silang magbibigay ng suporta sa pangangailangan ng mga ito.
Comments