ni Angela Fernando @News | Nov. 18, 2024
Photo: Bureau of Immigration, Republic of the Philippines
Ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes ang apat na puganteng Hapon na wanted sa Japan at may mga arrest warrant na dahil sa pagkakasangkot sa pandaraya at pagnanakaw.
Kinilala ang mga Hapong sina Ueda Koji, Kiyohara Jun, Suzuki Keiji, at Sawada Masaya.
Ayon sa BI, ang deportation ay isinagawa matapos matiyak na tapos na ang lahat ng legal na proseso sa 'Pinas—bahagi ang hakbang na ito ng patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa laban sa mga krimen sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
Kinumpirma naman ng BI na ang apat ay lumabag sa Philippine Immigration Act dahil sa overstaying at pagiging "undesirable aliens."
Comments