ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 10, 2020
Umakyat na sa apat ang bilang ng mga namatay sa naganap na riot sa loob ng New Bilibid Prison noong Lunes, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, hindi pa pinapayagang lumabas sa kani-kanyang dorm ang mga preso.
Aniya, "Only orderlies are allowed to roam.”
Unang iniulat ng awtoridad ang 3 bilang ng mga namatay at 64 ang sugatan sa riot sa pagitan ng Sputnik at Commando gangs noong Lunes nang umaga, isang buwan matapos ang riot ng dalawang grupo na ikinamatay ng siyam na preso.
Samantala, pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang naturang insidente upang malaman kung mayroong pagkukulang ang mga opisyal ng Bureau of Corrections.
Comments