top of page
Search
BULGAR

4 patay sa magnitude 7.0 na lindol

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 31, 2020




Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang Aegean Sea ngayong Biyernes na naramdaman sa Turkey at Greece, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


Iniulat naman ng Turkish government's disaster agency AFAD ang mas mababang magnitude ng lindol na 6.6 at ang epicenter ay 17 km off coast ng Izmir province na may depth na 16 km.


Sa tala naman ng USGS, ang depth ng lindol ay 10 km at ang epicenter ay 33.5 km off coast ng Turkey.


Ayon sa ulat, may mga gumuhong gusali sa Turkish coastal city, Izmir. Pahayag ni Turkish Interior Minister Suleyman Soylu sa kanyang Twitter account, "So far, we have received information about 6 collapsed buildings.”


Saad naman ni Environment Minister Murat Kurum, "Some of our fellow citizens are stuck in the rubble.” Handa naman umano si Turkish President Recep Tayyip Erdogan na tumulong "with all the means available to our state."


Samantala, tinatayang apat na katao ang iniulat na namatay sa insidente. Itinaas din ang tsunami warning at pinayuhan ang mga residente ng Samos na lumikas matapos tumaas ang tubig sa main harbor na nagdulot ng pagbaha.


Binalaan din ang mga residente na lumayo sa mga gusali dahil inaasahan ang aftershocks sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page