top of page
Search
BULGAR

4 pa sugatan... 2 SAF trainees, todas sa sagupaan sa umano’y NPA

ni Lolet Abania | November 21, 2021



Patay ang dalawang police officers habang apat ang nasugatan matapos masabugan ng isang improvised explosive device (IED) sa isang sagupaan sa pagitan ng mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar nitong Sabado ng umaga.


Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang nasawi na sina Patrolman Franklin Marquez at Patrolman Jimmy Caraggayan Jr.


Batay sa ulat ng Police Regional Office 8, may apat pang nasugatan matapos ang insidente. Tinamaan ang mga biktima ng IED sa kanilang engkuwentro sa mga tumatakas na rebelde sa Barangay Lonoy sa munisipalidad ng Gamay.


Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa mga naulilang mga pamilya nina Santos at Caraggayan.


“Our snappy salute to the bravery they have shown. They were killed in the line of duty defending our country against insurgency. We would want to recognize the valor of four other troop members who were injured during the firefight,” ani PNP chief Police General Dionardo Carlos sa isang statement.


Ayon sa PNP, magbibigay sila ng financial assistance sa mga naulilang pamilya ng dalawang police personnel habang medical aid naman sa apat na iba pa na nagpapagaling na sa ngayon.


Patuloy ring tinutugis ng mga awtoridad ang mga rebelde.


Ang dalawang nasawing pulis ay naka-enroll sa Special Action Force Commando Course (SAFCC) na sumasailalim na sa training para maging kasapi ng PNP-SAF.

0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page