ni Lolet Abania | March 29, 2022
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa pagtanggap ng apat o higit pang doses ng COVID-19 vaccine na aniya ay maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan dahil hindi pa ito inaaprubahan ng mga health experts.
Binigyan-diin ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kahit na napatunayan na ang COVID-19 vaccines ay ligtas at epektibo, kailangan pa rin ng mga taong maging maingat sa pagtanggap ng mga doses na higit pa sa inaprubahan ng mga eksperto.
Ayon sa opisyal, nakatanggap sila ng mga reports na maraming indibidwal ang kumuha ng apat, lima, at maging anim na doses ng bakuna kontra-COVID-19.
“What I can say is it would be dangerous. We have to understand that these vaccines are only in their Phase 3 trials so although it has been approved already, has been studied that it is safe and effective, but we need to monitor for long-term effects of these vaccines,” sabi ni Vergeire sa isang interview ngayong Martes.
Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ay nag-a-administer ng third doses para sa mga senior citizens at immunocompromised na mga indibidwal, habang booster shots naman sa mga nakakumpleto na ng kanilang primary doses — single para sa Johnson & Johnson’s vaccine, at dalawa para sa ibang mga brands.
“We have to be cautious because we still don’t know a lot about these vaccines. We just want to stay within the protocols and the approved guidelines that our experts have given. With these approved guidelines, we are assured that it is going to be safe for us, it is going to be effective for us,” saad pa Vergeire.
Nang ang opisyal tanungin kaugnay sa mga side effects na nai-report sa mga indibidwal na tumanggap ng vaccine doses na higit pa sa required lamang na bilang ani Vergeire, “We closely monitor these reports and we closely monitor these individuals. Up until now, we do not have reports of any adverse events following this number of shots that they have received.”
Paliwanag pa ng opisyal, mahigpit at patuloy ding imo-monitor ng DOH ang buong populasyon ng dalawa hanggang limang taon matapos ang vaccination.
Nitong Lunes, iniulat ng ahensiya na mahigit sa 65.6 milyong indibidwal o 72.93% ng target ng gobyerno ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.
Nasa 11.8 milyong Pinoy naman ang nakatanggap ng kanilang booster shots matapos na umabot sa tatlo hanggang anim na buwang requirement ng pagbabakuna nito.
Comments