ni Lolet Abania | February 20, 2022
Nasa apat ang nasawi habang lima ang nasugatan matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz, Manila ngayong Linggo ng umaga.
Batay sa ulat, napag-alaman na dalawa sa mga biktima ay isang 15-anyos, at isang 21-anyos na babae na nai-report na buntis.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang ini-report ang sunog ng alas-9:45 ng umaga sa isang bahay sa M. Natividad Street corner Mayhaligue Street sa Barangay 316, Maynila.
Itinaas naman ng BFP sa ikalawang alarma ang sunog ng alas-9:48 ng umaga, habang mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay, kung saan gawa ang mga ito sa light materials.
Alas-10:26 ng umaga, naapula na ang apoy, ayon sa BFP.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa dahilan at pinagmulan ng sunog.
Comments