top of page
Search
BULGAR

4 na bote ng tubig, ininom sa loob ng 20 minuto… Bebot, patay sa water toxicity

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 10, 2023




Natural na sa atin ang uminom ng tubig kapag nakakaramdam ng pagkapagod o pagkauhaw.


Ngunit paano kung malaman n’yo na ang labis na pag-inom ng tubig ay maaari palang makamatay? Curious ka na ba? Narito ang kuwento ng isang ginang na namatay dahil sa labis na pag-inom ng tubig.


Noong Hulyo, si Ashley Summers na mula sa Indiana ay nasa bakasyon kasama ang kanyang pamilya nang siya ay isinugod sa ospital.


Nakaramdam umano siya ng pagka-dehydrate sa gitna ng nakakapasong init ng panahon at nang uminom siya ng apat na bote ng tubig sa loob ng maikling oras, umaasang maiibsan na ang kanyang discomfort.


Gayunman, ang ginawa niyang ito ay humantong sa hindi inaasahang pangyayari.


Binawian ng buhay si Ashley dahil sa rarely recognised health: water toxicity.


Ibinahagi naman ng kapatid ni Ashley na si Devon Miller, ang kalunus-lunos na nangyari sa kanyang kapatid. May nagsabi umano na uminom siya ng apat na bote ng tubig sa loob ng 20 minuto.


Ayon kay Miller, nang makauwi ang kanyang kapatid, ito ay nahimatay sa garahe at hindi na nagkamalay. Isinugod sa ospital si Ashley at namaga umano ang utak sa hindi malamang dahilan.


Nilinaw naman ng mga doktor sa pamilya ni Ashley na siya ay namatay mula sa Hyponatremia – o kilala rin bilang water toxicity, na nangyayari kapag ang dami ng sodium sa iyong dugo ay “abnormally low”. Bagama’t bihira, ang water toxicity ay maaaring nakamamatay. Ito ay nangyayari kapag masyadong maraming tubig ang nainom sa loob ng maikling oras, o kung ang mga kidney ay nagre-retain ng sobrang tubig dahil sa underlying health conditions.


Kasama sa mga sintomas ng water toxicity ay kinabibilangan ng biglaang pagkasama ng pakiramdam pati na rin ang pagkakaroon ng muscle cramps, soreness, pagduduwal at pananakit ng ulo.


Ipinaliwanag ni Dr. Blake Froberg, isang toxicologist, na ang bihirang sanhi ng kamatayan ay mas madalas na nangyayari sa panahon ng summer o kung ang isang tao ay nagtatrabaho sa labas o madalas na nag-eehersisyo.


May mga ilan pang bagay na maaaring magpataas ng panganib sa isang tao, pero ang lahat ng ito ay dahil sa labis na tubig at hindi sapat na sodium sa katawan.


Ngayong alam na natin na maaari palang makamatay ang sobrang pag-inom ng tubig, reminder ito na hinay-hinay na sa pag-inom upang hindi tayo magaya kay Ashley Summers.


Aalertuhin naman tayo ng ating katawan kung nangangailangan ito ng mas maraming tubig. Kapag napasobra naman ang pag-inom, maaari itong humantong sa mga nakamamatay na kondisyon.


Kung hindi mo alam kung gaano karaming tubig ang dapat mong inumin araw-araw, manatili sa popular na payo na walong baso sa isang araw, okie?


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page