top of page
Search

4 na bagyo, tatama sa Pilipinas ngayong buwan ng Hulyo

BULGAR

ni Thea Janica Teh | July 2, 2020




Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Adminsitration (PAGASA) ang ating mga kababayan dahil inaasahan na may 4 na bagyong darating sa buwan ng Hulyo.


Sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na mamumuo ang isang bagyo sa bandang Pacific Ocean ngayong buwan kung saan maaaring lumiko at bumalik muli sa Pacific, hanggang sa makarating sa northern part ng Luzon at tumama sa northern, central at southern Luzon.


“Ito ang general tracks ng mga bagyo na papasok sa bansa sa pagitan ng taong 1948-2017,”dagdag ni Rojas.


Sinabi rin niya na ang mga bagyong hindi magla-landfall at dadaan sa eastern section ng Luzon ay maaaring maging sanhi ng habagat na magdadala ng malakas na ulan sa western section ng Luzon.


Binanggit din ni Rojas na 10-14 bagyo ang tatama sa bansa sa loob ng July-December.

Sa ngayon, wala pang namumuong bagyo sa loob at labas ng Philippine area of responsibility sa darating na 3-5 araw.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page