ni Eli San Miguel @News | Nov. 15, 2024
Photo: PAGASA-DOST
Inilarawan ng US-based National Aeronautics and Space Administration (NASA) bilang “hindi pangkaraniwan” ang sabay-sabay na presensya ng apat na bagyo sa Kanlurang Pasipiko ngayong Nobyembre.
Isang satellite image noong Nobyembre 11 ang nagpakita ng mga bagyong Yinxing (Marce), Toraji (Nika), Usagi (Ofel), at Man-Yi (Pepito) na malapit o nasa ibabaw ng Pilipinas.
Bagamat buong taon ang panahon ng bagyo sa rehiyon, nagaganap mula Mayo hanggang Oktubre ang karamihan ng mga bagyo.
“November typically sees three named storms, with one becoming a super typhoon, based on the 1991-2000 average,” sabi ng NASA.
Pumasok si Marce sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Nobyembre 4 at lumabas noong Nobyembre 8. Sumunod si Nika, na pumasok noong Nobyembre 9 at lumabas noong Nobyembre 12.
Habang humaharap ang mga residente sa epekto ng Marce at Nika, kinaharap din nila ang Severe Tropical Storm Ofel at naghanda para sa Typhoon Pepito, na mabilis na lumakas noong Huwebes.
Comments